
Paggamit ng maraming SIM card
Gumagana ang iyong device nang may isa o dalawang nakakabit na SIM card.
Makakatanggap ka ng papasok na komunikasyon sa dalawang SIM card at maaari kang
pumili kung sa aling numero mo nais magsagawa ng papalabas na komunikasyon. Bago
mo magamit ang dalawang SIM card, kailangan mong paganahin ang mga SIM card sa
menu ng mga setting ng iyong device. Kung nala-lock ang dalawang SIM card gamit ang
isang PIN code kapag ino-on mo ang iyong device, maaari mong piliing i-unlock at
gamitin ang isang SIM card lang. Sa ibang salita, maaari mong i-bypass ang isang naka-
lock na SIM card.
Maaari ka ring mag-forward ng mga tawag na pumapasok sa SIM card 1 patungo sa
SIM card 2 kapag hindi maabot ang SIM card 1, at kabaliktaran. Ang tawag sa function
na ito ay Dual SIM reachability. Dapat mo itong paganahin nang manu-mano. Tingnan
ang
Pagpapasa ng mga tawag
sa pahinang 55 .
Upang paganahin o i-disable ang paggamit ng dalawang SIM card
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Mga setting ng Dual SIM.
3
Markahan o alisan ng marka ang checkbox na SIM1 at SIM2.
Upang palitan ang pangalan ng isang SIM card
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Mga setting ng Dual SIM.
3
Pumili ng SIM card at magpasok ng bagong pangalan para dito.
4
Tapikin ang
OK.
Upang i-bypass ang isang naka-lock na SIM card kapag parehong naka-lock ang mga
SIM card
1
I-on ang iyong device, at piliin ang SIM card na gusto mong i-unlock.
2
Ipasok ang nauugnay na PIN code at tapikin ang
. Ma-a-unlock ang napiling
SIM card.
3
Kapag na-prompt ka na ipasok ang PIN para sa pangalawang SIM card, tapikin
ang
Lumaktaw. Lalabas ang home screen at maaari mo na ngayong gamitin ang
device nang pinapagana ang isang SIM card.
Upang paganahin ang isang naka-lock na SIM card
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Mga setting ng Dual SIM.
3
Piliin ang SIM card na naka-lock.
4
Ipasok ang kaugnay na PIN code.
Maaari mo ring paganahin ang isang naka-lock na SIM card mula sa Panel ng notification.
40
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.